Ang “Merdeka 118” sa Kuala Lumpur ay nakatakdang matapos ngayong taon at ang isang Filipino architect na nagngangalang Mitchelle Gorope Ignacio ay isa sa mga arkitekto sa likod ng ikalawang pinakamataas na istraktura at gusali sa mundo, ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer. Ang 118-palapag na may 678.9-taas na skyscraper ay ang pinakamataas na gusali sa Malaysia at Southeast Asia. Ang salitang “merdeka” ay nangangahulugang “kalayaan” sa Malay. (Romeo Adriano Jr.)

Photo: Filipe Freitas

COMMENTS