HomeFilipino

4 ANG PATAY, 50 ANG SUGATAN SA PAGSABOG SA MSU SA MARAWI CITY

4 ANG PATAY, 50 ANG SUGATAN SA PAGSABOG SA MSU SA MARAWI CITY

 PILIPINAS NANALO NG BEST ACTRESS AT BEST DIRECTOR SA ASEAN FILM AWARDS
MANGGAGAWANG HINDI RESIDENTE, ARESTADO DAHIL SA PAGKUHA NG CASINO CHIPS NA NATAGPUAN SA TAXI 
800 FILIPINO DEPORTEES MULA SA SABAH, DUMATING NA

Hindi bababa sa apat na tao ang nasawi nang sumabog ang isang hinihinalang improvised bomb sa loob ng Mindanao State University (MSU-Marawi) gymnasium sa Lanao del Sur habang nagsasagawa ng isang Katolikong misa noong Linggo ng umaga. Ayon kay Col. Robert Daculan, director ng Lanao del Sur police, naganap ang pagsabog alas-7 ng umaga nang magsimula ang misa. Dinala ang mga sugatan sa Amai Pakpak Medical Center. Ang inisyal na forensic investigation ay nagpapakita na ang pagsabog ay sanhi ng isang granada.

Sinabi ni Brig. Gen. Allan Nobleza, Police director ng Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), na ang pambobomba ay maaaring konektado sa pagpatay sa 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI), kabilang ang isang umano’y pinuno, sa isang opensiba ng militar sa Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao del Sur noong Biyernes. Nakatanggap aniya ng impormasyon ang mga awtoridad sa DI Maute group sa Lanao del Sur na may natitira pang paksyon kahit namatay na ang pinuno nito. Dagdag pa niya, nasa proseso pa sila ng pagtukoy kung anong uri ng bomba o pampasabog ang ginamit sa pag-atake, ulat ayon sa Philippine News Agency.

Photo: Philippine News Agency (PNA)/Lanao Sur PPO

COMMENTS

DISQUS: 0