HomeFilipino

MGA PERMANENTE RESIDENTE NG MACAU AT HONG KONG NA HINDI MGA CHINESE NATIONALS AY MAAARING MAG-APPLY NG MULTI-ENTRY TRAVEL PERMITS UPANG PUMASOK SA MAINLAND CHINA MULA 10 JULY 

MGA PERMANENTE RESIDENTE NG MACAU AT HONG KONG NA HINDI MGA CHINESE NATIONALS AY MAAARING MAG-APPLY NG MULTI-ENTRY TRAVEL PERMITS UPANG PUMASOK SA MAINLAND CHINA MULA 10 JULY 

KANTANG ‘ERE’ NI JUAN KARLOS GUMAWA NG KASAYSAYAN BILANG UNANG PILIPINONG KANTA NA NAG-DEBUT SA SPOTIFY GLOBAL CHART
BENITO TECHICO ITINALAGA BILANG TRADE, INVESTMENT AT TOURISM SPECIAL ENVOY SA CHINA
MGA PILIPINO NANGARAL SA INTERNET TUNGKOL SA BALUT MATAPOS ANG PAHAYAG NI DOJA CAT

Inanunsyo ng Chinese National Immigration Administration ng nitong nakaraang 1 Hulyo na ang mga dayuhang residente ng Macau o Hong Kong na may  permanent  ID card ay magiging karapat-dapat na mag-aplay para sa multi-entry travel permit ng mainland China na may limang taong bisa simula sa Hulyo 10. 

Sa naturang travel permit, ang mga hindi Chinese na permanenteng residente ng Macau at Hong Kong ay maaaring bumisita sa mainland China nang walang visa at maaaring manatili doon ng pinaka matagal na 90 araw para sa bawat pagbisita. 

Ang travel permit na ito ay kasalukuyang pwede lamang sa mga residente ng Macau at Hong Kong na may Chinese nationality. 

Ang mga residente ng Macau at Hong Kong ay maaaring mag-aplay para sa travel permit sa China Travel Service sa dalawang SAR. Bawat applikation ito ay nagkakahalaga ng HK$260 at sa loob ng 20 araw ay maaring ibigay ang travel permit visa para sa mga matagumpay na applikante, ayon sa iba’t ibang ulat ng media. 

Ang travel permit  na ito ay  nagpapahintulot sa may hawak na bumisita sa mainland China para sa pangkalahatang layunin tulad ng turismo o negosyo. 

Ang mga dayuhang may hawak ng naturang permit ay hindi maaring magtrabaho o mag-aral o magsagawa ng gawaing pagbabalita  sa mainland China – kailangan ng ibang visa para sa mga layunin ito. (Rosewyn Palomo) 

Images: China National Immigration Administration

COMMENTS

DISQUS: 1