Ipinanganak sa Pilipinas, si Major General Roy Macaraeg ng Honolulu, Hawaii ay pinaniniwalaang may pinakamataas na ranggo na sundalong mamamayan na may lahing Pilipino sa kasaysayan ng National Guard ng US National Guard, kung saan si Hawaii Governor Josh Green ay naghost ng isang promotion ceremony para kay Macaraeg noong pasimula nitong buwan. Ang pamilya ni Macaraeg ay nanirahan sa Hawaii mula sa lalawigan ng Pangasinan sa Pilipinas noong siya ay 10 taong gulang. Siya ay lumaki sa Kalihi, isang kapitbahayan ng Honolulu, at nag-aral sa Kalihi Elementary School, ayon sa iniulat ng Hawaii News Now.

Photos: Screenshots from a Hawaii News Now report

COMMENTS