HomeFilipino

NAKALIGTAS SA INDONESIAN DEATH ROW ANG CONVICTED OFW NA SI MARY JANE VELOSO, AT BABALIK NA SA PILIPINAS 

NAKALIGTAS SA INDONESIAN DEATH ROW ANG CONVICTED OFW NA SI MARY JANE VELOSO, AT BABALIK NA SA PILIPINAS 

MGA PERMANENTE RESIDENTE NG MACAU AT HONG KONG NA HINDI MGA CHINESE NATIONALS AY MAAARING MAG-APPLY NG MULTI-ENTRY TRAVEL PERMITS UPANG PUMASOK SA MAINLAND CHINA MULA 10 JULY 
NAIA SCREENER, SINIBAK DAHIL SA PAGKUHA NG MGA TSOKOLATE MULA SA BAGAHE NG PASAHERO
KILALANIN, BIANCA BUSTAMANTE, MAGIGING MCLAREN’S FIRST FILIPINA RACER

Nailigtas na ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso mula sa Indonesian death row at malapit nang bumalik sa Pilipinas matapos ng mahigit isang dekada ng diplomasya ng Pilipinas at mga konsultasyon sa Gobyerno ng Indonesia, inihayag ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Ang 39-anyos na mula sa Nueva Ecija, may dalawang anak ay inaresto sa Indonesia dahil sa drug trafficking noong 2010 matapos umano siyang lokohin ng isang drug syndicate sa pagdadala ng 2.6 kg ng heroin sa Indonesia, kung saan sinabi sa kanya na may trabaho siya bilang isang domestic worker sa Indonesia,  na sinabi na kapalit na trabaho na unang inaalok sa kanya sa Malaysia. 

Ipinahayag ni Marcos ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Indonesian President Prabowo Subianto at sa gobyerno ng Indonesia para sa kanilang mabuting kalooban, at idinagdag na ang hakbang ay sumasalamin sa pinalakas na ugnayan ng dalawang bansa sa Southeast Asia, ayon sa press release na inilabas ngayon ng Philippine Presidential Communication Office (PCO). (Rosewyn Palomo) 

Photo: A screenshot from UNTV News & Rescue video report 

COMMENTS

DISQUS: 0