Planong pagbayarin ang mga motorista sa Metro Manila upang magamit ang matrapik na Epifanio Delos Santos Avenue o mas kilala rin bilang Edsa. Naniniwala si Interior Secretary Jonvic Remulla na mahihikayat nito ang mga motorista na subukang gamitin ang pampublikong transportasyon.
Ayon kay Remulla, ang planong ito ay tinalakay sa pulong ng Comprehensive Traffic Management Plan o CTMP para sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Iginiit naman ng hepe ng Department of the Interior and Local Government o DILG, na ang planong ito ay maisasagawa lamang kapag ganap nang maipatupad ang CTMP para sa Edsa, ulat mula sa Inquirer.net. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Charles Deluvio

COMMENTS