ABS-CBN Studios nananatiling nangunguna ang reputasyon nito bilang powerhouse sa Philippine entertainment dahil ang “Incognito” at “Sosyal Climbers” (pictured) ang nangunguna sa Netflix Philippines.
Mula ng ipalabas ang “Incognito” noong Enero 17, mahigpit na binabantayan ng mga manonood ang kuwento nina—Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla). Dahil dito, patuloy na nangunguna ang serye na ipinalabas sa Netflix PH. Naabot din nito ang pinakamataas na viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.
Mainit na pinag uusapan “Incognito,” ang unang collaboration film ng ABS-CBN Studios at Netflix Philippines, ang “Sosyal Climbers,” na ipinalabas sa Netflix noong Pebrero 27, ay mabilis na umakyat sa pikanamataas movie rankings ng platform sa Pilipinas. Kasama rin sa pelikula sina Maris at Anthony, na kasama nina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo, at Marissa Sanchez.
Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang pelikula ay sumasalamin sa buhay nina Ray (Anthony) at Jessa (Maris), isang mag-asawang nahihirapan sa pananalapi na gumawa ng detalyadong pekeng pagkakakilanlan upang makalusot sa matataas na lipunan at lokohin ang mga mayayaman.
Sa tagumpay ng “Incognito” at “Sosyal Climbers,” lubos na pinuri ng mga netizen sina Maris at Anthony, na bida sa dalawang proyekto, sa mahusay nilang pagganap sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang hindi maikakaila na chemistry, according to various media reports. (Rosewyn Palomo)
Image: A screenshot of “Sosyal Climbers” preview on Netflix

COMMENTS