HomeFilipino

PANGALAWANG GRUPO NG PHILIPPINE RESCUERS DUMATING SA MYANMAR 

PANGALAWANG GRUPO NG PHILIPPINE RESCUERS DUMATING SA MYANMAR 

PISO: PINAKAMALAKAS NA LEVEL SA 6 BUWAN 
PILIPINAS NAKUHA ANG UNANG PANALO SA FIFA WORLD CUP SA LABAN SA HOST COUNTRY NA NEW ZEALAND
SWS: MARAMING PILIPINO NAKARAMDAM NA BUMABA ANG KALIDAD NG BUHAY

Inihayag ng Philippine Air Force (PAF) na ang ikalawang grupo ng mga rescuer sa ilalim ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) ay umalis na patungo sa Myanmar na nasalanta ng lindol sakay ng C-130 transport aircraft na lumipad mula sa Villamor Air Base, Pasay City noong Miyerkules ng umaga.

Ang ikalawang batch ay binubuo ng 47 grupo mula sa PAF, Bureau of Fire Protection, Department of Health, Department of Environmental and Natural Resources, Offi Lynce of the Civil Defense, ang contingent ay sumakay sa isang C-130 aircraft na patungo sa Naypyidaw, Myanmar, sinabi ng Air Force sa isang pahayag.

Ang deployment na ito ay kasunod ng pagdating ng unang batch ng mga rescuer at medical personnel ng Pilipinas, na binubuo ng 58 miyembro, ligtas na nakarating sa Myanmar noong Martes matapos umalis ng bansa ng madaling araw.

Sinabi ng PAF na ang misyong ito ay binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa mabilis at mahusay na pagtugon sa kalamidad, na nagbibigay ng kaakibat na suporta sa mga mamamayan ng Myanmar sa panahong ito ng hamon, ayon sa Philippine News Agency (PNA). (Rosewyn Palomo) 

Photo: A screenshot of RFA’s video news report

COMMENTS

DISQUS: