Ang Filipino-American Volleyball player na si Mar-Jana ‘MJ’ Phillips ay ang kaisa-isang Pinoy na na-draft bilang Asian import sa Korean V-League. Pinili ng Gwangju AI Peppers ang Petro Gazz middle blocker bilang fifth pick sa kauna-unahang 2023 KOVO Women’s Asian Quota. Sa 23 aspirants mula sa kontinente, si Phillips ang naging isa sa unang pitong Asian import sa liga.
Photo: Chandan Chaurasia

COMMENTS