HomeFilipino

MGA KUMPANYA SA US MAG-AANUNSYO NG MGA PAMUMUHUNAN NG HIGIT SA $1 BILYON PARA SA PILIPINAS

MGA KUMPANYA SA US MAG-AANUNSYO NG MGA PAMUMUHUNAN NG HIGIT SA $1 BILYON PARA SA PILIPINAS

MANNY PACQUIAO MAGBABALIK SA MACAU UPANG MAKPAGTUNGGALI KAY BUAKAW BANCHAMEK NG THAILAND SA SUSUNOD NA TAON
OFW SA MACAU NALOKO NG HALAGANG MOP 7,600 SA PAGBEBENTA NG LUMANG SOUTH KOREAN WON BANKNOTES
CANADA, PAPALAWIGIN PA ANG PAGPOPROSESO NG WORK PERMIT PARA SA MGA PILIPINO NA MAY BAGONG PILOT PROGRAM

Ang mga kumpanya sa Amerika ay nakatakdang mag-anunsyo ng mga pamumuhunan na nagkakahalaga ng higit sa $1 bilyon sa Pilipinas, ayon ito kay U.S. Commerce Secretary Gina Raimondo sa isang opisyal na pagbisita sa Maynila kamakailan. Pinamumunuan ni Raimondo ang dalawang araw na misyon sa kalakalan at pamumuhunan, ang una sa uri nito ay para sa Pilipinas. Kasama sa delegasyon ang mga executives mula sa 22 kumpanya kabilang ang United Airlines.

Ang mga pamumuhunan ay sumasaklaw sa mga lugar tulad ng solar energy, electric vehicles at digitization. Ang mga pagsisikap ng US na palalimin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Pilipinas ay kasabay ng pagtaas ng kooperasyon sa depensa. Parehong masigasig sina U.S President Joe Biden at Philippine President Ferdinand Marcos Jr na kontrahin ang nakikita nilang agresibong aksyon ng China sa South China Sea na malapit sa Taiwan, ulat ayon sa Reuters. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: Michael Buillerey

Caption: Manila, Philippines 

COMMENTS

DISQUS: 0