HomeFilipino

MGA DAYUHAN PWEDE NG PUMASOK SA MACAU SIMULA SA LINGGO 

<strong>MGA DAYUHAN PWEDE NG PUMASOK SA MACAU SIMULA SA LINGGO </strong>

SURVEY: 7 SA 10 KATOLIKONG PILIPINO AY NAGDADASAL ARAW-ARAW
DALAWANG MANSYON SA LOOB NG PHILIPPINE PRESIDENTIAL PALACE COMPLEX, NAGING MGA MUSEO NG KASAYSAYAN AT KULTURA NG BANSA
PINAKABAGONG TIKTOK SENSATION NG PILIPINAS MULA SA SOUTH KOREA, NAKAUWI NA SA BANSA AT HALOS DUMUGIN SA AIRPORT

Ang lahat ng mga dayuhan ay maaari ng magsimulang pumasok na muli sa rehiyon Macau simula ngayong Linggo matapos magpasya ang Pamahalaan ng Macau na alisin ang lahat ng mga paghihigpit sa pagpasok. Ang lahat ng dayuhang padating mula sa ibang bansa ay kinakailangan pa ring magpakita ng negatibong nucleic acid test (NAT) o resulta ng rapid antigen test (RAT) na kuha apatnapu’t walong oras bago umalis sa kanilang mga bansa. 

Samantala, ang mga ferry sa pagitan ng Macau at Hong Kong International Airport ay nagpatuloy na sa operasyon kamakailan lamang, habang ang TurboJET at Cotai Water Jet ay magsisimulang muli ng kanilang mga serbisyo sa pagitan ng dalawang SAR ngayong Linggo. 

Higit pa rito, ang paghihigpit ng Macau-Zhuhai cross-border NAT ay magtatapos na rin sa Linggo. 

Larawan: Simon Zhu 

COMMENTS

DISQUS: 0