HomeFilipino

CHIMELONG MARINE SCIENCE PARK, TINATAWAG NGAYON NA ‘CHIMELONG SPACESHIP’, AT MAGBUBUKAS NGAYONG BUWAN

CHIMELONG MARINE SCIENCE PARK, TINATAWAG NGAYON NA ‘CHIMELONG SPACESHIP’, AT MAGBUBUKAS NGAYONG BUWAN

SURVEY: 7 SA 10 KATOLIKONG PILIPINO AY NAGDADASAL ARAW-ARAW
PHILIPPINE AIRLINES, PANSAMANTALANG ISUSUSPINDI ANG MGA FLIGHTS SA PAGITAN NG MACAU AT MANILA MULA 1 SETYEMBRE
BAGO AT MAPANGANIB SA KALUSUGANG CORONAVIRUS MULA SA PANIKI, NADISKUBRE SA CHINA

Ang Chimelong Spaceship – na dating pinangalanang Chimelong Marine Science Park – ay magkakaroon ng soft opening ngayong buwan, na nakatakdang maging pinakamalaking indoor theme park sa buong mundo. Ang Kalihim para sa Ekonomiya at Pananalapi ng Macau na si Lei Wai Nong ay naiulat na nagsagawa ng isang preview na pagbisita sa 400,000-square-meter park na makikita sa isang 650-meter-long spaceship-shaped structure. Ang parke ay inaasahang tumanggap ng mahigit 50,000 bisita araw-araw, ayon sa ulat ng Macau News Agency (MNA).

Orihinal na naka-iskedyul na magbukas noong 2021, ang Chimelong Spaceship ay bahagi ng ikalawang yugto ng Chimelong International Ocean Tourist Resort sa Hengqin Island. Ang parke ay iniulat na magkakaroon ng 10 themed areas na nagpapakita ng humigit-kumulang 300 species ng mga hayop sa dagat – higit sa 100,000 sa kabuuan. (Romeo Adriano Jr.)

Photo: Courtesy of Legacy Entertainment 

COMMENTS

DISQUS: 0