Nagsimulang gumana ang cross-boundary shuttle bus service sa pagitan ng Macau at Hong Kong International Airport noong Agosto 30. Ang mga bus na “HK Airport Direct” ay nagkokonekta sa Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge (HZMB) Macau Port at sa Hong Kong International Airport Sky Pier Terminal Transfer Coach area, na nagpapahintulot sa pasahero na maihatid nang direkta sa restricted area ng Hong Kong airport nang hindi kinakailangang dumaan sa immigration checkpoint doon, habang ang kanilang mga bagahe ay naka-check-in at ang mga boarding pass ay iniisyu sa Macau – at vice versa. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Suman Shaw

COMMENTS