Si Pearl Hung, ang kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Global 2024, ay nagkamit ng 3rd Runner-Up sa pageant. Tinanghal na Miss Global si Ashley Melendez ng Puerto Rico sa coronation night sa Bayon TV Studio sa Phnom Penh, Cambodia. Si Haylani Pearl Kuruppu ng Samoa ang tinanghal na 1st Runner-Up, si Chonnikarn Supittayaporn naman ng Thailand ang 2nd Runner-Up, at Doan Thu Thuy ng Vietnam ang 4th Runner-Up.
Sa kanyang buong karanasan sa pageant, tunay na nagningning si Pearl sa ilan niyang mga magagarang long gowns. Para sa coronation night, nagsuot siya ng yellow beaded gown, kung saan kumikislap ang mga butil kapag gumagalaw siya. Para sa national costume preliminary competition, ang Palawan beauty ay nagsuot ng costume na pinangalanang Tandikan, na hango sa mga katangian ng Palawan Peacock-Pheasant. Ang pangkalahatang hitsura ay naimpluwensyahan ng isang Filipina warrior queen, ulat ayon sa GMA News Online. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Instagram/@pearlhunggg

COMMENTS