HomeFilipino

SWS: MARAMING PILIPINO NAKARAMDAM NA BUMABA ANG KALIDAD NG BUHAY

SWS: MARAMING PILIPINO NAKARAMDAM NA BUMABA ANG KALIDAD NG BUHAY

SURVEY NG MGA RESEARCHERS 1,200 BABAENG OFW SA MACAU: 90% NAKAKARANAS NG MGA NAKAKA TRAUMA NA PANGYAYARI NA HUMAHANTONG SA KANILA UPANG MAGSUGAL AT PAGKALULONG SA ALAK
MGA KAWANI NG PAARALAN AT  MGA ESTUDYANTE, PINAPAYUHANG MAGSAGAWA ARAW-ARAW NG RAPID TEST SIMULA SA LUNES 
MANGGAGAWANG HINDI RESIDENTE, ARESTADO DAHIL SA PAGKUHA NG CASINO CHIPS NA NATAGPUAN SA TAXI 

Ang mga resulta ng survey noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1 ay nagpakita na 30% ng 1,200 na nasa hustong gulang ang nagsabi na ang kalidad ng kanilang buhay ay lumala, kumpara sa 22% sa nakaraang poll na isinagawa noong Hunyo at Hulyo. Dalawampu’t walong porsyento ng mga respondente ang nakakita ng pagpapabuti sa kanilang kalidad ng buhay, habang 41% ang nagsabing nanatili itong pareho, mula sa 33% at 45%, ayon sa pagkakabanggit, sa nakaraang survey.

Ipinaliwanag ng pollster na ang net gainer score ay isang “pangkalahatang negatibo” hanggang 2015 nang tumaas ito sa mga positibong numero. Ang pagsisimula ng pandemya ng COVID-19 at mga lockdowns ay humantong sa isang “drastikong” pagbaba. Bagama’t may tumataas na kalakaran mula noon, ang marka ay hindi pa rin bumabalik sa mga antas ng pre-pandemic, ulat ayon sa Philstar.com. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: Kristine Wook

COMMENTS

DISQUS: 1