HomeFilipino

SURVEY NG MGA RESEARCHERS 1,200 BABAENG OFW SA MACAU: 90% NAKAKARANAS NG MGA NAKAKA TRAUMA NA PANGYAYARI NA HUMAHANTONG SA KANILA UPANG MAGSUGAL AT PAGKALULONG SA ALAK

<strong>SURVEY NG MGA RESEARCHERS 1,200 BABAENG OFW SA MACAU: 90% NAKAKARANAS NG MGA NAKAKA TRAUMA NA PANGYAYARI NA HUMAHANTONG SA KANILA UPANG MAGSUGAL AT PAGKALULONG SA ALAK</strong>

MALALAKARANG KALSADA NG SAN MA LO, PARADA, FIREWORKS, KABILANG SA MGA PROGRAMA NG CHINESE NEW YEAR NGAYONG TAON 
800 FILIPINO DEPORTEES MULA SA SABAH, DUMATING NA
MGA AWTORIDAD SA MACAU MAPAPANATILI ANG PATAKARAN SA HINDI PAGSUSUOT NG FACEMASK KUNG MAPANATILING MATATAG ANG LUNGSOD SA PAPARATING NA COVID PEAK SA MAYO O HUNYO 

Ang isang pag-aaral na inilathala sa European Journal of Psychotraumatology ay nagbigay liwanag sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino domestic helpers sa Macau, na maaaring humantong sa pagsusugal at pagkalulong sa alak. Ang pag-aaral ay isinagawa nina Wai Kit Lei at Ngai Lam Mou mula sa Kagawaran ng Sikolohiya ng Unibersidad ng Macau, kasama ng ilang iba pang mga mananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay nag-survey sa 1,200 Filipino nationals na nagtatrabaho sa Macau bilang mga domestic helper at nalaman na higit sa 90 porsiyento sa kanila ay nakakaranas ng potensyal na traumatising circumstances. Natuklasan ng pag-aaral na ang mga babaeng overseas Filipino worker (OFWs) na ito ay nahaharap sa hindi tiyak na mga kondisyon sa pagtatrabaho, mahabang panahon ng pagkahiwalay sa pamilya at kahirapan sa pagsuporta sa kanilang sarili – ang mga ganitong sitwasyon ay naiulat na naging dahilan upang ang mga kababaihan ay madaling maapektuhan ng mga nakakahumaling na pag-uugali tulad ng pagsusugal at pag-abuso sa alkohol, ayon sa ilang ulat ng media sa Macau.

Samantala, ang pananaliksik ay hindi sinangayunan ng karamihan sa mga OFW sa Macau, kung saan marami ang nagsasabi na ang 1,200 respondents sa survey ay hindi kumakatawan sa buong populasyon ng mga OFW sa bayan.

Photo: Unsplash/No Revisions

COMMENTS

DISQUS: 0