HomeFilipino

PHILIPPINE AIRLINES, PANSAMANTALANG ISUSUSPINDI ANG MGA FLIGHTS SA PAGITAN NG MACAU AT MANILA MULA 1 SETYEMBRE

PHILIPPINE AIRLINES, PANSAMANTALANG ISUSUSPINDI ANG MGA FLIGHTS SA PAGITAN NG MACAU AT MANILA MULA 1 SETYEMBRE

MGA FERRIES SA PAGITAN NG OUTER HARBOUR FERRY TERMINAL AT SHEUNG WAN, MAGSISIMULA NG MULI SA ENERO 19 
KASAYSAYAN NG FILIPINO MAPAG-AARALAN NA SA MGA HAWAI‘I HIGH SCHOOLS
ANIE USON CHEN NG PILIPINAS ANG TINANGHAL NA MISS CHINESE WORLD

Kamakailan lamang binalita,  na ang  mga frequent Philippine Airlines flyers ay  hindi muna posibleng mag-book ng Macau-Manila flight para sa Christmas season – ang pinakamalaking season para sa karamihan ng mga Pinoy na umuuwi para bumisita sa kanilang pamilya at kamag-anak – dahil pansamantalang sususpindihin ng Philippines Airlines ang mga flight sa pagitan ng Macau at Manila mula sa 1 Setyembre. 

“Hindi eksaktong sinabi  ng airline kung ano ang dahilan at gaano katagal ang pag sususpinde, tanging ang ruta nito ay masususpindi hanggang sa karagdagang abiso dahil sa mga dahilan ng pagpapatakbo,” sinabi ng isa sa madalas na flyer sa Good News Macau kahapon. 

Samantala, ang Philippine Airlines ay nag ooperate ng mga flight sa pagitan ng Hong Kong at Manila, habang ang Cebu Pacific Air at  Philippine Air Asia ay nagpapatakbo din ng mga flight sa pagitan ng Macau at Manila. (Rosewyn Palomo)

Photo: Troy Mortier

COMMENTS

DISQUS: 0