Nanalo sina Myrna Esguerra ng Abra at Jasmin Bungay ng Pampanga sa Binibining Pilipinas ngayong taon, Ito ang pinakamatandang aktibong pambansang beauty pageant sa Pilipinas, sa final event na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City noong Linggo.
Pumili ang beauty pageant ng dalawang nanalo na ipapadala sa Miss International at Miss Globe pageants.
Si Esguerra 22-anyos na modelo, naging environmental preservation advocate ay idineklarang Binibining Pilipinas International 2024, at bilang kinatawan ng Pilipinas sa 62nd Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo sa Nobyembre 12, habang ang 26-anyos na modelo at guro na si Bungay ay Binibining Pilipinas Globe 2024 at lalaban sa Miss Globe sa huling bahagi ng taon.
Samantala, sina Christal Jean de la Cruz ng Zambales at Trisha Martinez ng Pila, Laguna ay idineklarang first at second runners-up, ayon sa pagkakasunod, sa Binibining Pilipinas 2024. (Rosewyn Palomo)
Photo: Binibining Pilipinas

COMMENTS