Ang negosyante at dating Senador na si Manny Villar ay nasa ika-117 na pwesto sa 3,028 na listahan ng mga negosyante, investors at tagapagmana. Siya ay may rehistradong net worth na nagkakahalagang $17.2 bilyon. Siya ang pinakamayamang indibidwal mula sa Pilipinas, ayon sa listahan ng “World’s Billionaires List: The Richest in 2025” na inilabas ng Forbes.
Kabilang sa iba pang Pilipino sa listahan ang mga tycoon at tagapagmana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa tulad ng International Container Terminal Services Inc, San Miguel Corp, SM Investment Corp, Megaworld Corp, Puregold Inc at Jollibee Foods Corp, at iba pa. Ulat ayon sa ABS-CBN News. (Romeo Adriano Jr.)
Image: Mari Gimenez

COMMENTS