Inayos kamakailan ng Hong Kong ang mga pamamaraan ng aplikasyon nito ng mga visa/entry permit, kung saan ang mga aplikante ay kinakailangang ideklara kung mayroon silang mga criminal records. Gayunpaman, kinumpirma ng kalapit na SAR’s Immigration Department na hindi kasama rito ang mga dayuhang kasambahay, na hindi kailangang gumawa ng ganoong deklarasyon. Kasama lang sa pagsasaayos na ito ang General Employment Policy, Admission Scheme para sa Mainland Talents and Professionals, Technology Talent Admission Scheme, Immigration Arrangements para sa Non-local Graduates at Admission Scheme para sa Second Generation ng Chinese Hong Kong Permanent Residents.
Photo: Josue Michel

COMMENTS