May kakilala ka ba na laging nagpupuyat sa gabi, o ikaw iyon? Ayon sa bagong pag-aaral, lumalabas na ang pagpupuyat ay nakakasira sa ating kalusugan. Ayon sa Nurses’ Health Study II, na nilahukan ng 60,000 babaeng nars, ang pagpupuyat ay maaaring magpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng Type 2 diabetes.
Sa Pilipinas, ipinakita ng 2016 Healthy Living Index Survey na 46 porsiyento ng mga Pilipino ang nahaharap sa kawalan ng sapat na tulog, o pagpupuyat. Isa ito sa pinakamataas na rate sa Asya. Sa kamakailang pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga nagpupuyat sa gabi ay mas malamang na kumain ng higit pa, lumalaktaw ng mga sesyon sa gym, hindi gaanong makatulog, tumataba, at nagkakaroon ng mas maraming oras para manigarilyo. Ang mga mahilig magpuyat ay 19 porsiyentong mas nasa panganib na magkaroon ng diabetes dahil sa hindi malusog na pamumuhay, ulat ayon sa Inquirer.net. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Sayo Garcia

COMMENTS