HomeFilipino

BAGO AT MAPANGANIB SA KALUSUGANG CORONAVIRUS MULA SA PANIKI, NADISKUBRE SA CHINA

BAGO AT MAPANGANIB SA KALUSUGANG CORONAVIRUS MULA SA PANIKI, NADISKUBRE SA CHINA

HUSH! 2023 CONCERTS MAY OPEN CALL PARA SA MGA PROPOSAL MULA SA MGA LOKAL NA BANDA, MUSICIAN, AT MGA CURATOR NG ART INSTALLATIONS
NANGUNGUNA ANG ABS-CBN STUDIOS SA NETFLIX PH BILANG”INCOGNICO” AT “SOSYAL CLIMBERS” NA PAREHONG PUMALO SA NUMBER 1
MICKEY MOUSE LUMIIT NA MICROSCOPIC SIZE PARA SA 100TH BIRTHDAY NG DISNEY

Natuklasan sa isang pag-aaral na isinagawa ng Guangzhou Laboratory sa pakikipagtulungan ng Guangzhou Academy of Sciences, Wuhan University, at ng Wuhan Institute of Virology, ang isang bagong bat coronavirus na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao dahil ginagamit nito ang parehong human receptor na Covid-19 virus. 

Ang virus, na kilala rin bilang HKU5-CoV-2, ay isang novel lineage ng HKU5 coronavirus na natuklasan sa mga Japanese pipistrelle bats sa Hong Kong. Ang mga pagsusuri sa laboratoryo ay nagsiwalat na ang virus ay maaaring makahawa sa mga cells ng tao at gayon na rin sa baga at bituka. Maaari rin itong kumapit sa mga ACE2 na receptor sa tao, paniki, at iba pang mga hayop, balitang hatid ng Philippine News Agency. (Romeo Adriano Jr.) 

Image: Mufid Majnun

COMMENTS

DISQUS: 0