Ang taunang Cheer Macao Parade na pinagsama-samang inorganisa ng mga lokal na simbahang Kristiyano ay gaganapin ngayong taon mula Alas Tres ng hapon hanggang Alas Syete Trenta rin ng hapon sa Setyembre 23. Ang “Cheer Macao Parade 2023” ay magsisimula sa isang seremonya ng pagbubukas sa Amizade Plaza (Sintra Square) na matatagpuan sa tapat ng Hotel Sintra, pagkatapos ay maglilibot ang mga kalahok sa lungsod upang pasayahin ang mga mamamayan sa Macau sa pamamagitan ng Kristiyano at positibong mga mensahe ng pampatibay-loob. Samantala, iba’t ibang aktibidad at laro ang magaganap sa Sintra Square sa panahon ng parada. Ang kaganapan ay magtatapos sa isang seremonya ng pagsasara pabalik sa plaza – tulad ng dati sa isang panalangin para sa lungsod. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaganapan bisitahin ang Facebook page ng Cheer Macao. (Romeo Adriano Jr.)





Photos: Cheer Macao

COMMENTS