Isang post sa social media platform na Weibo at Rednote ang nagsabing naglakbay ang Chinese explorer sa Palawan na si Zheng He sa pagitan ng 1300s at 1400s. Ibinahagi naman ng public historian and professor na si Xiao Chua na ayon sa mga account ni Zheng He, siya ay nagpunta sa Western Seas at hindi sa Eastern Seas, hindi sa kung nasaan naroon ang Pilipinas. Dagdag pa nito sa panayam ng ABS-CBN News na ang Palawan at ang ilang bahagi nito ay bahagi pa nga ng Sultanato ng Sulu at hindi ito kailanman naging bahagi ng China.
Ipinaliwanag pa ni Chua na panahon pa ni Chiang Kai Shek sa China, mga 1947, ay sinisimulan na nila itong ganitong pag-aangkin sa mga karagatan malapit sa Palawan. Idinagdag din ni Chua na ang pagbabaluktot ng kasaysayan ay nakatanim na nang malalim sa isipan ng mga Tsino Dahil ito umano ang tinuturo sa kanila simula pa noong 1940s kaya naman mahirap na itong baguhin sa kaisipan kanila.
Binanggit din ang mga salaysay ng Venetian explorer na si Antonio Pigafetta na sya ring sinuportahan ng NHCP na ang mga European explorer ang nakipag-blood compact sa pinuno ng komunidad sa isang bayan na kilala ngayon bilang Brooke’s Point o Palawan.
Sinabi ng NHCP na kinilala ng mga makasaysayang mapa mula sa iba’t ibang European cartographer mula 1500s hanggang 1800s ang pagsasama ng Palawan Island sa kapuluan ng Pilipinas na pinangangasiwaan ng Sultanate of Sulu at ng Spanish Captaincy General of the Philippines, at idinagdag na walang Chinese community sa Palawan sa mga makasaysayang talaan na ito. Wala pang pahayag ang Malacañang tungkol sa isyu. Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng ABS-CBN News. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Eibner Saliba

COMMENTS