HomeFilipino

KARAGDAGANG SCHOLARSHIP OPPORTUNITIES PARA SA MGA MAG-AARAL NA PILIPINO SA CANADA, AVAILABLE NA AYON SA DOST

KARAGDAGANG SCHOLARSHIP OPPORTUNITIES PARA SA MGA MAG-AARAL NA PILIPINO SA CANADA, AVAILABLE NA AYON SA DOST

CHIMELONG MARINE SCIENCE PARK, TINATAWAG NGAYON NA ‘CHIMELONG SPACESHIP’, AT MAGBUBUKAS NGAYONG BUWAN
WALA NANG E-CONSUMPTION CARD REFILL PARA SA MGA RESIDENTE NG MACAU
MACAU NAKATANGGAP NG MAHIGIT 40,000 BISITA NOONG HUWEBES 

Nakipagtulungan ang Department of Science and Technology (DOST) sa dalawang unibersidad sa Canada para magbigay ng mga karagdagang oportunidad sa scholarship para sa mga estudyanteng Pilipino.

Ang unang kasunduan na nilagdaan ng DOST ay sa Unibersidad ng Saskatchewan (USask). Ang programang ito ay isang pangmatagalang pakikipagtulungan at exchange sa graduate studies. Ang USask ay mag-aalok ng mga iskolarship sa hanggang 10 Pilipinong mag-aaral bawat taon, kabilang ang pinababang tuition fee na katumbas ng lokal na Canadian rate at pagpopondo sa pananaliksik para sa kanilang mga disertasyon.

Ang ikalawang kasunduan ay isang renewal contract na nilagdaan kamakailan, na nagpapalawig sa umiiral na DOST-University of Alberta (UAlberta) Graduate Scholarship Program (GSP). Ang programang ito ay nagbibigay-daan sa mga Filipino master’s at doctoral na mag-aaral na mag-aral at magsagawa ng pananaliksik sa UAlberta, kasama rin ang suportang pinansyal na ibinibigay ng DOST-SEI at UAlberta, according sa Manila Bulletin. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: University of Saskatchewan 

Caption: University of Saskatchewan

COMMENTS

DISQUS: 0