Ang pangunahing lansangan ng Macau na Avenida de Almeida Ribeiro, na mas kilala bilang San Ma Lo, ay isasara sa mga sasakyan sa loob ng ilang araw sa panahon ng Chinese New Year ngayong taon. Maaaring maglakad ang mga pedestrian sa kahabaan ng 450 metrong kalsada mula 12 pm ng Enero 22 hanggang 10 pm ng Enero 24, at mula 12 pm ng Pebrero 4 hanggang 10 pm sa susunod na araw, ayon sa Cultural Affairs Bureau (IC).
Samantala, ang Macao Government Tourism Office (MGTO) ay magppapalabas ng Chinese New Year Fireworks Displays, 9:45 pm sa 24 at 28 ng Enero, gayundin sa 9 pm ng Pebrero 5. Bilang karagdagan, ang “2023 Parade for Celebration of the Year of the Rabbit” ay nakatakdang maganap sa gitna at hilagang distrito ng lungsod sa Enero 24 at 28. Ang Bagong Taon ng Tsino sa taong ito ay magsisimula sa Enero 22.
Photo: MGTO

COMMENTS