HomeFilipino

OFW SA MACAU NALOKO NG HALAGANG MOP 7,600 SA PAGBEBENTA NG LUMANG SOUTH KOREAN WON BANKNOTES

<strong>OFW SA MACAU NALOKO NG HALAGANG MOP 7,600 SA PAGBEBENTA NG LUMANG SOUTH KOREAN WON BANKNOTES</strong>

HAPONES NA NAIWAN SA PILIPINAS PAGKATAPOS NG WW2 NAKABALIK NA SA JAPAN MATAPOS MABAYARAN ANG MGA MULTA
AKSIDENTE SA ASH WEDNESDAY: 1 PATAY, MAHIGIT 50 ANG SUGATAN SA BULACAN CHURCH BALCONY
DEADLINE PARA GAMITIN ANG E-CONSUMPTION FUNDS: IKA-28 NG PEBRERO

Isang babaeng OFW sa Macau ang na-scam ng MOP 7,600 nang ibenta ang kanyang mga lumang banknotes, inihayag kamakailan ng mga lokal na awtoridad. Ayon sa biktima, nakakita siya ng post sa social media tungkol sa pagbili ng mga lumang banknotes sa mataas na halaga at pagkatapos ay nakipag-ugnayan sa pekeng buyer na pumayag na bumili ng siyam sa kanyang 5,000 old South Korean won banknotes sa halagang MOP 45,000. Ang biktima ay hiniling na magbayad ng ilang administrative fees at ang buyer ay nagbigay ng kanyang US address kung saan ipinadala ang mga lumang banknotes. Matapos mailipat ng biktima ang MOP 7,600 sa bank account ng buyer, ang buyer na nangako na magbabayad kinabukasan ay hindi na makontak ng biktima, na agad namang nag-ulat ng kaso sa pulisya ang nasabing biktima, iniulat ng The Macau Post Daily.

Photo: Priscilla Du Preez

COMMENTS

DISQUS: 0