Ang pinakamalaking LEGOLAND theme park at hotel sa mundo ay nakatakdang magbukas sa mainland Chinese city ng Shenzhen sa susunod na taon, ayon sa iba’t ibang ulat ng media na kumalat kamakailan. Matatagpuan sa Dapeng Peninsula, ang 580,000-square-meter LEGOLAND Shenzhen Resort ang magiging unang international IP-based family entertainment theme park resort sa Greater Bay Area (GBA), ayon sa Merlin Entertainments, na magpapatakbo ng resort kasama ang lokal na kasosyong Hazens Holdings. Ang proyekto ay binadyetan ng mahigit US$1.08 bilyon. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Merlin Entertainments

COMMENTS