Nakatakdang ilabas ng United States, Japan, at Pilipinas ang Partnership for Global Infrastructure and Investment (PGII) sa Luzon Corridor na maghahatid ng mga bagong proyektong imprastraktura upang mag-ugnay sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas.
Ang PGII, na itinatag ng mga bansang G7, ay naglalayong magpakilos ng hanggang USD600 bilyon sa 2027 upang makatulong na paliitin ang puwang sa pamumuhunan sa imprastraktura sa mga kasosyong bansa. Ang balitang ito ay hatid sa atin ng Philippine New Agency. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Gerald Escamos
Caption: Binondo-Intramuros Bridge, Luzon, Manila, Metro Manila, Philippines

COMMENTS