Nakatakdang magbukas sa publiko ang Treasure Island Resorts World Hotel ng YOHO Group sa Oktubre 1. Matatagpuan sa tabi ng rotonda ng Praça de Ferreira do Amaral, sa tapat ng Hotel Lisboa, ang 8,100 metro kwadrado, 70-metrong taas, 600-kwartong resort ay unang naka-iskedyul na magbukas sa katapusan ng nakaraang taon. Kasama sa resort ang isang art-themed park, isang seven-theatre cinema at isang shopping mall. Kabilang sa mga brands na magbubukas sa mall ay ang Galeries Lafayette, UFC Gym, POP MART, Under Armour at ang sikat na burger chain na Five Guys, ayon sa iba’t ibang ulat ng media. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Good News Macau/Wong Kin Ang

COMMENTS