HomeFilipino

HAPONES NA NAIWAN SA PILIPINAS PAGKATAPOS NG WW2 NAKABALIK NA SA JAPAN MATAPOS MABAYARAN ANG MGA MULTA

HAPONES NA NAIWAN SA PILIPINAS PAGKATAPOS NG WW2 NAKABALIK NA SA JAPAN MATAPOS MABAYARAN ANG MGA MULTA

MACAU, MAGBIBIGAY NG 120K AIRLINE TICKET SA BUY-1-GET-1 DEAL PARA SA DOMESTIC AT FOREIGN PASSENGERS
MAHIGIT 360 NA MGA PAGLIPAD SA EROPLANO, NAAPEKTUHAN SA KAGULUHAN SA PILIPINAS NOONG BAGONG TAON 
MALAKAS NA PAG-ULAN AT BAHA, NAGDULOT NG PHP1.26 BILLION NA HALAGA SA AGRIKULTURA AT IMPRASTRAKTURA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG PILIPINAS

Dumating sa Japan ang isang 82-anyos na babaeng Hapon na si Koyama Margarita Hiroko, na nawalay sa kanyang ama na Hapones at naiwan sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang kauna-unahang war-displaced descendant of Japanese migrants na makabalik sa Japan.

Sinamahan at tinulungan ng mga kawani ng Japanese Embassy at isang support organization sa airport, umalis siya patungong Japan mula sa Maynila noong Linggo. Sya ay nakakuha ng Japanese citizenship noong 2017. Ngunit ang mga katulad niya ay hiniling na magbayad ng multa ng gobyerno ng Pilipinas sa pag-alis ng bansa dahil sila ay itinuturing na mga ilegal na residente. Sinabi ng Ministro sa Embahada ng Hapon sa Maynila na si Hanada Takahiro na patuloy na gagawin ng gobyerno ng Japan ang lahat ng makakaya upang maging maayos ang paglalakbay sa Japan hangga’t maaari, ulat mula sa iba’t ibang uri ng Media. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: Andre Benz

COMMENTS

DISQUS: 0