Isang security screening officer (SSO) ang nabigyan ng dismissal order kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga tsokolate sa bagahe ng papaalis na pasahero habang nagsasagawa ng inspeksyon sa bagahe, ayon sa pahayag ng Office for Transportation Security ( OTS) noong Lunes.
Sa panayam ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ng tagapagsalita ng OTS na si Kim Marquez na sinabi ng screener na ang mga tsokolate ay ibinigay ng pasahero. Gayunpaman, nilinaw niya na hindi sila pinapayagang tumanggap ng anuman bilang bahagi ng kanilang “no gift/tipping” policy.
Sinabi niya na ang OTS ay nananawagan sa pasaherong sangkot na bigyang linaw ang insidente upang lalo pa nilang ituloy ang mga kaso laban sa mga tauhan, according to PNA. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: OTS

COMMENTS