HomeFilipino

NAIA SCREENER, SINIBAK DAHIL SA PAGKUHA NG MGA TSOKOLATE MULA SA BAGAHE NG PASAHERO

NAIA SCREENER, SINIBAK DAHIL SA PAGKUHA NG MGA TSOKOLATE MULA SA BAGAHE NG PASAHERO

HARVARD MAGTUTURO NG KURSONG TAGALOG SA UNANG BESES
‘GOMBURZA’ NANALO NG MARAMING AWARDS, ‘FIREFLY’ NAGUWI BEST PICTURE SA 49TH MMFF
PILIPINO, ISA SA MGA ARKITEKTO SA LIKOD NG ‘MERDEKA 118’ NG KUALA LUMPUR, ANG IKA-2 PINAKAMATAAS NA BUILDING SA MUNDO

Isang security screening officer (SSO) ang nabigyan ng dismissal order kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga tsokolate sa bagahe ng papaalis na pasahero habang nagsasagawa ng inspeksyon sa bagahe, ayon sa pahayag ng Office for Transportation Security ( OTS) noong Lunes.

Sa panayam ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ng tagapagsalita ng OTS na si Kim Marquez na sinabi ng screener na ang mga tsokolate ay ibinigay ng pasahero. Gayunpaman, nilinaw niya na hindi sila pinapayagang tumanggap ng anuman bilang bahagi ng kanilang “no gift/tipping” policy.

Sinabi niya na ang OTS ay nananawagan sa pasaherong sangkot na bigyang linaw ang insidente upang lalo pa nilang ituloy ang mga kaso laban sa mga tauhan, according to PNA. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: OTS

COMMENTS

DISQUS: 0