Nagtagumpay si Alethea Ambrosio mula sa Bulacan sa 20 iba pang mga aspirante mula sa buong bansa at Filipino community sa United States sa The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Oktubre 24. Namana ni Ambrosio ang titulo mula sa Miss Supranational first runner-up Pauline Amelinckx, na kinoronahan bilang unang The Miss Philippines titleholder sa kanyang pagdating mula sa kanyang kompetisyon sa Poland noong Hulyo.
Si Ambrosio ang nag-iisang kandidato na nagsalita ng buong Filipino sa parehong round ng pagtatanong. Kasama niya sa final four sina Chantal Schmidt mula sa Cebu City, Isabelle Delos Santos mula sa Mandaluyong City, at Blessa Figueroa mula sa Filipino community ng Northern California, ulat mula sa Inquire.net. (Romeo Adriano Jr.)

Photo: Instagram/@the.alethea, @janrobalagtas, @theorenriquez

COMMENTS