HomeFilipino

ANG LONDONER MACAO AY MAGPEPRESENTA NG ‘HARRY POTTER: THE EXHIBITION’ SA DISYEMBRE

ANG LONDONER MACAO AY MAGPEPRESENTA NG ‘HARRY POTTER: THE EXHIBITION’ SA DISYEMBRE

PILIPINO, ISA SA MGA ARKITEKTO SA LIKOD NG ‘MERDEKA 118’ NG KUALA LUMPUR, ANG IKA-2 PINAKAMATAAS NA BUILDING SA MUNDO
MGA FOREIGN DOMESTIC HELPERS NA NAG-APPLY PARA SA HK WORK PERMIT HINDI  NA KAILANGAN MAGDEKLARA NG CRIMINAL CONVICTIONS
ISANG LALAKING JOBLESS, INASULTO ANG ISANG LALAKI SA COTAI HOTEL LOBBY

Isang Harry Potter-themed exhibition ang paparating sa The Londoner Macao sa Disyembre, inihayag ng Sands China Ltd. Ang “Harry Potter: The Exhibition” ay isang groundbreaking na touring exhibition na nagdiriwang ng mga iconic na kaganapan, karakter, settings at mga “Beasts” na makikita sa serye ng pelikulang Harry Potter at sa Wizarding World. Sa pamamagitan ng nakaka-engganyong disenyo at makabagong teknolohiya, ang eksibisyon ay inaasahang magpapasaya sa mga bisita dahil sa mga orihinal na props, kasuotan at makatotohanang pagkukuwento. Matututunan din ng mga bisita ang behind-the-scenes na mga detalye sa paggawa ng pelikula. Bisitahin ang website ng The Londoner Macao upang mag-sign up para sa waitlist at upang mapabilang sa mga unang makaalam nang higit pang detalye at makakuha ng maagang access sa mga tiket.

Photo: The Londoner Macao’s website

COMMENTS

DISQUS: 0