HomeFilipino

BAGUIO AT METRO MANILA MAKAKARANAS NG MALALAMIG NA UMAGA DULOT NG AMIHAN

BAGUIO AT METRO MANILA MAKAKARANAS NG MALALAMIG NA UMAGA DULOT NG AMIHANBaguio, Philippines 

ISANG FIL-AM NG NANALO BILANG HUKOM NG SUPERIOR COURT SA SAN BERNARDINO COUNTY, UNITED STATES
UTANG NG GOBYERNO, PUMALO NA SA P14.35T
HALOS 1,100 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NA-RESCUE SA PILIPINAS 

Noong Martes ay nagtala ang Baguio City at Metro Manila ng pinakamalamig na temperatura ngayong 2024-2025 northeast monsoon o Amihan season, sabi ng PAGASA. Ayon sa kanila, ang summer capital ay mas lumamig sa 11.8 degrees Celsius habang ang temperatura sa Science Garden, Quezon City ay bumaba sa 20.4 degrees Celsius.

Ang kasalukuyang surge ng Amihan ay nakikitang humina bago ang katapusan ng linggo ngunit isang bagong surge ang inaasahan sa susunod na linggo. Bukod sa maaliwalas na panahon, ang Amihan ay nagdudulot din ng mahina hanggang sa paminsan-minsang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng Northern Luzon at maalon at hindi ligtas na kondisyon ng dagat para sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga lalawigan ng Ilocos at Cagayan Valley, ulat mula sa ABS-CBN News. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: Gian Paul Guinto 

COMMENTS

DISQUS: 0