Ang isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na binanggit sa Year Two Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ay nagpakita na 25% lamang ng mga batang Pilipino ang nakakaabot sa kinakailangang lakas ng katawan at nutrisyon. Ang malnutrisyon ay talamak pa rin sa milyun-milyong bata. Ang mga batang Pilipinong kulang sa timbang na 3 hanggang 5 taong gulang ay natagpuang kumukonsumo ng 20% na mas kaunting protina, 40% na mas mababa sa kabuuang bigat, at 35% na mas kaunting carbohydrates kaysa sa inirerekomenda.
Bagama’t ang gobyerno ay may mga programa sa pagpapakain, tulad ng Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), itinuturing ng EDCOM 2 na “hindi sapat” ang mga ito. Kaya ang rekomendasyon ng EDCOM 2 ay ang pagbibigay-priyoridad sa mga bata na may mataas na peligro sa kalusugan, at pagpapabuti ng pagsubaybay at pagsusuri ng mga resulta sa pamamagitan ng pagpunta sa “beyond attendance and participation metrics”, ulat hatid ng Rappler. (Romeo Adriano Jr.)
Photo: Charlein Gracia

COMMENTS