Ilang araw matapos alisin ang kanyang viral hit song na “Selos” sa lahat ng online streaming platforms, napansin ng mga tagahanga ng “Bangsamoro pop” singer na si Shaira kamakailan na hindi na rin available online ang kanyang track na “Forever Single (Walang Jowa)”.
Nauna nang ipinunto ng mga netizens na ang “Forever Single (Walang Jowa)” ni Shaira ay katulad ng kantang “Masih Mencintainya” ng Indonesian band na Papinka. Ito rin ang pangalawang kanta ni Shaira na inalis sa online streaming platforms, kasunod ng “Selos. ”
Nilinaw ng AHS Productions noong Marso 20 na kusang-loob nilang inalis ang “Selos” sa lahat ng online streaming platforms dahil kasalukuyang nasa proseso sila ng paglilinaw ng legalidad ng paglalathala ng kanta. Si Shaira ay mayroong 626,000 buwanang tagapakinig sa Spotify. Ilan pa sa kanyang mga kanta na available pa ring i-stream sa Spotify ay ang “Datu Manis,” at “Natipbad (Lalakeng Abusado),” at iba pa, ulat ayon sa Rappler. (Romeo Adriano Jr.)
Image: A screenshot of Shaira’s “Selos” music video

COMMENTS