Ang pneumonia ni Pope Francis ay kasalukuyang nasa kontrol na sitwasyon, subalit hindi pa ito lubusang magaling inihayag ng Vatican noong Miyerkules.
Habang ang impeksyon ay kasalukuyang ginagamot hindi pa ito lubusang maideklarang wala na ayon sa Vatican Press Office.
Samantala, ang mga medikal na pagsusuri, kabilang ang pagsusuri ng dugo, ay bumalik na sa normal at maayos na ang mga resulta, at ang Santo Papa ay nananatiling walang lagnat, kung saan ang pagsususpinde ng non-invasive mechanical ventilation magdamag ay tinitingnan bilang isang positibong senyales, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA). (Rosewyn Palomo)
Image: Ashwin Vaswani

COMMENTS