HomeFilipino

MGA DAYUHANG MAY PASAPORTE NG PILIPINAS, ISANG ‘NATIONAL SECURITY ISSUE’ – AYON SA BI

MGA DAYUHANG MAY PASAPORTE NG PILIPINAS, ISANG ‘NATIONAL SECURITY ISSUE’ – AYON SA BI

CHIMELONG MARINE SCIENCE PARK, TINATAWAG NGAYON NA ‘CHIMELONG SPACESHIP’, AT MAGBUBUKAS NGAYONG BUWAN
MICHELLE YEOH NAGING UNANG ASYANO NA NANALO NG BEST ACTRESS AWARD SA OSCAR
SUBIC BAY: ISANG PRAYORIDAD NA IMPRASTRAKTURA NG LUGAR PARA SA US-PHILIPPINE AYON SA PAG-UUSAP

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na ang mga ulat ng mga dayuhang iligal na nakakakuha ng mga pasaporte ng Pilipinas at iba pang mga dokumento dito ay itinuturing na “isyu sa pambansang seguridad”.

“Ang kanilang paggamit ng mga tunay na dokumento ay nagpapahirap sa pagde-detect at pag-aresto,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag.

Sa pagdinig ng Senado para sa 2024 National Expenditure Program ng Department of Justice at mga kalakip nitong ahensya noong Lunes, ibinunyag ni Tansingco na marami ng dayuhan ang may mga pasaporte at iba pang dokumentong pilipino tulad ng birth certificate, driver’s license, at postal ID.

Nitong buwan lang, inaresto ng BI ang isang nagngangalang Faizan Muhammad na nagpakita ng Philippine National ID.

Bago ito, isa pang Korean National na si Kim Ho Cheol ang naharang din kasunod ng kanyang pagtatangka na umalis patungong Cambodia na nagkukunwaring may lahi na Chinese-Korean-Filipino.

Samantala, nangako si Tansingco na susundin ang mahigpit na mga hakbang sa pagsugpo sa mga dayuhan gamit ang mga dokumentong illicitly-secured, ulat mula sa Philippine News Agency. (Romeo Adriano Jr.)

Photo: Wikipedia/Department of Foreign Affairs of The Philippines 

COMMENTS

DISQUS: 0