HomeFilipino

GURO NA NANAMPAL SA ANTIPOLO STUDENT SINUSPINDE NG DEPED

GURO NA NANAMPAL SA ANTIPOLO STUDENT SINUSPINDE NG DEPED

15-ANYOS NA BATANG LALAKING NAGLARO NG TAGU-TAGUAN SA BANGLADESH, NAKULONG SA CONTAINER, NAKARATING SA MALAYSIA
HUSH! 2023 CONCERTS MAY OPEN CALL PARA SA MGA PROPOSAL MULA SA MGA LOKAL NA BANDA, MUSICIAN, AT MGA CURATOR NG ART INSTALLATIONS
DALAWANG ADVOCACY GROUPS HUMINGI SA HK GOVT NG DAGDAG SA BUWANANG MINIMUM NA SAHOD NG MGA FOREIGN DOMESTIC HELPERS MULA HK$4,730 HANGGANG SA 6K

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ng 90 araw ang gurong inakusahan ng pananampal sa isang Grade 5 student sa Antipolo City ilang araw bago namatay ang bata habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon laban sa kanya. Noong Setyembre 26, dinala si Francis Jay Gumikib, 14 na taon, mag-aaral ng Peñafrancia Elementary School, sa Amang Rodriguez Medical Center dahil sa pagkahilo, “hindi matiis na sakit” sa ulo, panlalabo ng paningin, at pagsusuka.

Ayon sa kanyang ina na si Elena Minggoy, hinila siya ng kanyang guro sa kwelyo at buhok, at tinamaan sa kanang tenga noong Setyembre 21, matapos siyang magreklamo tungkol sa maingay niyang mga kaklase. Na-coma siya sa ospital at namatay noong Oktubre 2. Batay sa kanyang death certificate, ang agarang sanhi ng kamatayan ni Gumikib ay global brain edema o pamamaga ng utak dahil sa acute hemorrhage sa utak, ulat ayon sa Inquirer.net. (Romeo Adriano Jr.) 

Photo: Taylor Flowe

COMMENTS

DISQUS: 0