Dahil sa malawakang tagtuyot na dulot ng El Niño weather phenomenon mula simula ng taon, marami sa mga magsasaka ang nawalan ng trabaho, na nagpataas ng unemployment rate ng bansa noong Abril sa 4 na porsyento mula sa 3.9 na porsyento noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nangangahulugan ito na may halos 2.04 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Abril, habang ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Marso ay umabot sa 2 milyon, ayon sa iba’t ibang ulat ng media sa Pilipinas. (Rosewyn Palomo)
Photo: Beth Macdonald

COMMENTS