HomeFilipino

MGA KARAGDAGANG FLIGHTS NG MACAU-MANILA MAGPAPATULOY – KABILANG ANG IBA PANG DESTINASYON

<strong>MGA KARAGDAGANG FLIGHTS NG MACAU-MANILA MAGPAPATULOY – KABILANG ANG IBA PANG DESTINASYON</strong>

QUIAPO CHURCH IDEDEKLARANG NATIONAL SHRINE SA ENERO 2024
SURVEY NG MGA RESEARCHERS 1,200 BABAENG OFW SA MACAU: 90% NAKAKARANAS NG MGA NAKAKA TRAUMA NA PANGYAYARI NA HUMAHANTONG SA KANILA UPANG MAGSUGAL AT PAGKALULONG SA ALAK
SUBIC BAY: ISANG PRAYORIDAD NA IMPRASTRAKTURA NG LUGAR PARA SA US-PHILIPPINE AYON SA PAG-UUSAP

Nakatakdang ipagpatuloy ng Air Macau ang mga flights nito mula Macau papuntang Manila, Da Nang at Chiang Mai mula Marso, sinabi kamakailan ni Macao Civil Aviation Authority (AACM) President Simon Chan. Bilang karagdagan, ang Air Asia ay magpapatuloy sa mga flight nito mula Macau papuntang Bangkok at Manila sa Pebrero 25 at Marso 2, ayon sa pagkakabanggit. Ipinagpatuloy din naman ng Malaysian budget airline ang mga flights nito sa pagitan ng Macau at Kuala Lumpur noong nakaraang linggo.

Samantala, ipagpapatuloy din ng Philippine Airlines ang kanilang mga flights sa Macau-Manila sa Marso 26, habang ang Philippine low-cost carrier na Cebu Pacific ay sinasabing nagpaplano na ipagpatuloy din ang rutang Macau-Manila sa Marso, na ang unang available flight ay makikita sa website nito sa ika-28 ng Marso.

Photo: Silver Ringvee

COMMENTS

DISQUS: 0